|
10:49 a.m. lasing pa rin ako hangang ngayon... hindi ito hangover lasing pa rin ito.. grabe ang hirap pala talaga... dalwang oras lang ang tulog ko langyang kaibigan kong seaman na iyan kung magpadespedida biglaan eh.. hindi naman mahindian dahil tropa mula pa ng hayskul kumbaga marami ng pinagsaluhang kalokohan... langyang yan... pati selpon ko na lumang model na-itrade pa sa mas luma pang model ng selpon niya ha ha ha!!!! ewan ko ba lasing na ata ako kaya ko nagawa iyon...kamote talaga pero ayos lang he he he.. antok na ako pero kailangan ko pa ring magtarbaho nandito ako sa harap ng pc ko hindi alam ng mga supervisor dito na hindi ako nagtatarbaho.. pero nakaharap lang ako sa pc ko.. katatapos ko lang panooring ang "American Pie: Beta House" he he he.. ang kulit at ngayon heto nageentri sa blogdrive na matagal ko ng hindi ginagawa haaaay.... grabe pagkatapos ng entring ito ano naman kaya ang gagawin ko para hindi ako makatul..........zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
|