anim na missed calls at tatlumputatlong messages.... iyan ang natanggap ng selpon ko matapos ko itong iwan sa bahay para maglaro ng basketbol at tumambay... siguro ay umuusok na ang ilong nila dahil sa hindi nila ako makontak (naks piling importante) mga tropa kong hindi mabubuhay kapag hindi kami nagkikita kita at hindi nakakapaglaro ng DOTA ang tumatawag at nagtxt saken... bawal ilagay kung anong nakasulat na mga messages dahil brutal at BASTOS!!! he he he... kaya naman 12:00 ng hating gabi ay mag-isa akong kumakain ng chicken joy sa may cubao habang naghihintay sa siraulo kong tropa para pumunta sa Marikina... kamusta ka naman ala una na wala pa sila kaya naman nagbilyar muna kami habang naghihintay sa kanila at mga bandang 2:00 a.m. na kami halos nakapaglaro ng DOTA... hanggang 6:00 a.m. lang kami dahil ang isa samen ay natatakot sa kanyang asawa na baka maunahan pang umuwi sa bahay nila ha ha ha.. astig diba? kamote naalala ko nakakomprimiso pala akong manood ng sine tsk tsk tsk... natulog muna sa Marikina gang 10:00 a.m. dahil yung isa nameng kasama ay may pasok ng 2:00 p.m sa tarbaho... ako naman dumirecho na sa aking KADEYT huwaw may kadeyt ako he he he.... Yun nga lang hindi ko naenjoy at nakakahiya dun sa aking kadeyt dahil habang nanonood siya ng sine ako naman ay natutulog at ng kumakain pa kami ay hindi ko na talaga nakayanan na pigilin ang kanyang kwento dahil sa gusto ko ng umuwi at matulog ha ha ha..... (wala talaga akong kwenta) pssst.. kung sino ka mang nagbabasa wag mo ng tanungin kung sino kadeyt ko wala din namang kwenta ha ha ha....
Nasira ang deyt dahil lang sa mga tropa... ayos!!!
Posted at 04:40 am by basilisk
Permalink
sikretong malupit walang clue!!!
anak ng kamote yan!!! hindi ako nakainom nung last, last friday dahil sa hindi na kami magkashift ni emong at hindi rin ako nakainom nitong huling friday dahil sa kusang loob kong ibibigay ang aking dugo na type AB (walang kasunog na normal yan ah) sa may nanay ng aking dating opismeyt dahil ooperahan daw ang kanyang nanay kaya naman para magawa iyon ay hindi ako uminom (ang tinding sakripisyo nyan ah), natulog ako ng maaga (ang tinding sakripisyo nyan sa mga kateks ko ah), gumising ng maaga, at maghintay ng napakatagal sa ospital para lang malaman mo na hindi ka pala makakatulong dahil sa hindi ka pupuwedeng kuhanan ng dugo sa kadahilanang nagpabunot ka ng ngipin??? kamote talaga iyan nakakainis dapat sinabi ko na lang hindi ako nagpabunot eh... kaya tuloy ang pagpapakuha ko ng dugo ay nauwi sa pagmomol namen sa robinson ermmita... ayos din naman kasi kahit na mejo nalungkot ang aking eks-opismeyt dahil nga sa hindi ako nakuhanan ng dugo eh nakita ko namang nag-enjoy siya sa pagmomoling namen dahil sa tawa siya tawa sa mga kalokohang pinagagagawa ko sa loob ng mall kahit na minsan eh kinakahiya niya akong kasama dahil hindi niya mateyk ang mga kalokohan ko... kung ano iyon??? eh sikretong malupit walang clue!!! nga lang napagod at malayo pa ang bahay niya kaya naman naisip kong makitulog muna kame sa bahay ng aking kaibigan... oh hanggang duon na lang bahala na kayong mag-isip jan lalo na ang mga malisyosa at malisyoso ha ha ha.....
nanood ako ng sine dahil hindi ko pa napapanood ang harry potter pero naknangkamotengpanisyan! nauwi kami sa transformers kainis!!! pero ayos lang din astig kasi naman pala ang pinsan ni jezz, baket? sikretong malupit ulit walang clue!!! he he he... at sa wakas nasayadan din ng alak ang aking lalamunan ng gabing iyon dahil kahit na halos hatinggabi na kame nakauwi ay uminom pa rin kami... sa totoo lang hindi naman talaga ang alak ang masarap sa inuman kundi ang kulitan, kwentuhan at tawanan habang nag-iinuman wala lang nasabi ko lang dahil baka isipin nyo naman eh napakagahaman ko sa alak...
kainis antok na antok na ako huwaaaaaaa
Posted at 11:40 pm by basilisk
Permalink
biyernes ng gabi kadalasan sa mga ganitong araw ay si emong ang kasama at kung sinong mahahatak sa inuman pero iba po nitong nakaraang biyernes... kasama ko si benok sa bagong bahay ni BUNSO... hanef sarap pakinggan bagong bahay.. mejo naiinggit ako sa nakita ko imperness ah.. teka sino ba si bunso??? well... si bunso po ay isa mga tropa ko nung college kabilang sa grupo namen..dalawang kumpanya lang ang pinagsamahan namen at humiwalay na sa pangatlo... sa magtotropa siya pa lang ang kasal pero dalawa na silang may pamilya grabe ang ganda na ng bahay niya at kumpleto na ang mga gamet kala mo nga eh mayroon na siyang malalaking anak.... natutuwa talaga ako dahil maayos ang kalagayan niya bilang may asawa....
nagpatawag pala siya ng inuman pero dalawa lang kami ni benok ang nakarating dahil si alex ay nasa Dubai na at si Poppy ay may work GY shift (hindi niyo sila kilala noh? pakialam ko he he he..) kamote... honeymoon baby pala ang dahilan ha ha ha.....
siyempre wala dun si Maila.. baket? heto ang malupit dun... kahit kailan eh hindi kami nagustuhan ni Maila bilang kami minsan nagiging sanhi pa kami ng pag-aaway ng dalawa pero tingnan mo naman... ikinasal na at magkakaanak na ang dalawa.. wala kaming masamang tinapay kay maila dahil sabi ni bunso ay intindihin na lang namen na ganun talaga siya... imagine magiging kumare na namen siya eh wala pa ring pansinan ha ha ha.. kamote talaga....
reminiscing da past siyempre kwentuhan ng mga kalokohan c benok walang kinuwento mabaet eh..(mahirap na baka mabasa ni Utahjezz eh) naglaro ng DOTA for old taym sake kamote hindi na kami marunong he he he.... at ang pinakamalupet sa lahat eh..... nambasag ng gamet... pasensiya bunso hindi ko sinasadya ganda naman ng bahay mo eh.. kumbaga binyag yan he hehe....
ako kaya? kailan kaya ako magkakabahay he he he.. peace :)
(EDITED)
Mingle2 - Free Online Dating
Posted at 07:32 pm by basilisk
Permalink
ilang araw ng walang magawa dito sa opisina kaya naman nakapanood ako ng mga bagong episodes ng Naruto at iyung episode na hindi ko din napanood nuon ay pinanood ko din maraming salamat sa youtube ngunit anak ng kamoteng kalabaw iyan.... BITIIIIIIIIN....... kung sino man sa inyo ang may alam oh may kakilala kung saan ko mapapanood ang naruto shippuuden episode 20-21 ipagbigay alam lang po saken parang awa niyo na hu hu hu....
Posted at 09:07 pm by basilisk
Permalink
dumating ang tropa kong seaman at nagkakuwentuhan kami ng mga buhay buhay grabe ang yaman na ng kaibigan kong ito pero binata at walang gerlpren kasi binreyk niya na daw ang kanyang gerlpren (ang lakas ng loob siya pa ang nambreyk)... langyang iyan iniiwasan ko nga ang ganitong usapan eh kaya lang naumpisahan niya na eh.. (buti sana kung may alak eh grrrr...)
pare ang hirap ng buhay sa barko malungkot dun libangan ko lang ay dvd grabe naiinggit nga ako sa mga kasamahan ko pag nagkakasignal kasi natataranta sila sa pagtawag sa kani-kanilang mga asawa at gerlpren..
ehdi tawagan mo mama at papa mo..
iba iyon pre kainis ka naman eh... gusto ko iyung may inspirasyon man lang ako sa pagbalik ko sa barko.... pre.. baka naman mayroon kang maipapakilala saken jan gusto ko iyung MATINO ah..
ha? mejo mahirap iyan pre MATINO ba? ang hirap hanapin niyan sa panahon ngayon!! ha ha ha... pero sige tatry ko pa din....
sa madaling salita natapos na ang usapan namin dun (parang mahabang salita iyon ah?) eh may nagteks saken pigtapos nun aba teka matanong nga nga ang babaeng toh... pssst.. may kilala ka bang pwedeng iblayn deyt sa tropa ko.. 25 y/o toh 5/8 ang hayt matipuno at seaman? pwera ka ah kasi ang gusto niya iyung MATINO eh sagot siya: ano ka ba? hindi ako nangrereto ng pren ko noh? chaka isa pa ayaw ko din naman noh.. ako ulit: talagang hindi ikw kasi isa lang ang quality na gusto niya hindi ka pa nakapasa eh.. eh sa hindi ka naman magrereto magtatanong ka lang sa mga kaibigan mo kung gusto nila pag ayaw di wag ganun lang reto ba yon? sagot ulit siya: oo na alam ko namang hindi ako MATINO eh.. pero ganun na din iyon reto na din iyon hindi ko iyon maipapangako sayo. ako ulit: mabuti alam mo na hindi ka qualified!!! kamote ka simpleng simple hindi mo magawa para iyon lang? sagot ulit siya: eh sa hindi ko nga gawain iyon eh! ako n nmn: eh kaya nga ako humihingi ng pabor eh pabor lang naman magtatanong k lang kung wala ehdi wala pero subukan mo!! siya naman: eh sa hindi nga ako ganun eh ang kulit mo (teka may mga smiley pala lahat iyang mga text na iyan ah) ang arte mo naman para iyon lang hindi mo pa magawa kung ayaw mo di wag!! siya ulit: oh wag kang magalit maghanap ka na lang sa iba. ako naman: bahala ka sa buhay mo!! siya ulit: smiley lang he he he..
kamote talaga ang hirap ba ng pinapagawa ko?? simple lang naman diba? tsk tsk tsk.. ewan ko ba... haynaku girls, girls girls... ha ha ha.. peace!!!
Posted at 04:07 pm by basilisk
Permalink
tinag ako ni EMOnG at wala naman akong ginagawa ngayon kaya gawin ko na din habang siya ay nanonood ng giant cetipede sa you tube..
una:
hindi na po ako ngayon long hair... kalbo na po ako ngayon kahapon lang at kinalbo ko din ang taong nagkalbo saken.. wala lang napagtripan lang... tsaka na iyung pic pramis...
pangalawa:
malakas akong mang-asar... grabe wag kang magpapakita saken pag nasa mood akong mangasar dahil pag naumpisahan kita hanggang sa maghiwalay ang landas natin aasarin kita...
pangatlo:
hindi ako lasengero pero madalas akong nainum pagkatapos ng isang linggong trabaho madalas kasama si EMOnG hindi ko gusto ang matao at magulong mga gimikan mas gusto ko iyung bahay lang tamang kwento, kantahan hindi videoke ah gitara madalas murang pulutan patok na patok na saken iyon..
pangapat:
ayaw ko sa babaeng napakaganda... (kc ayaw din nila sakn) ayaw ko din sa babaeng nasa ulo na ang kagandahan getz mo?? getz mo na iyon... basta iyung ganun...
panglima:
priority ko ang pamilya ko inuuna ko sila sa lahat ng bagay...
pang anim:
tumae ako sa shorts nung elementary ako.. ay mali pala.. nung elementary ako malayo ang cr sa room namen aabutin ka siguro ng 10 minuto kakalakad kung tatakbuhin mo baka 5 minuto lang.. eh may LBM ako nun kaya nag MAY I GO OUT ako sa teacher ko.. sabay takbo sa napakalayo at napakabahong banyo na kinapapalooban pa ng samut saring kuwentong pang multo!!! pag pasok ko ng banyo eh halos bumalik ang aking tae sa loob ng aking sikmura pero agad din naman itong nagmamadaling lumabas... pag baba ko ng aking shorts at brief (teka wala yata akong brief nun ewan basta ganun) eh lumabas agad ang aking dumi... at dali dali akong naghugas at dahil nga sa mabaho ang lugar ay nagmamdali din akong lumabas... pag balik ko sa rum eh parang walang nangyari... pero maya maya may bumubulong sa kanyang katabi ewan ko kung bulong pero parang bulong pero narinig ko kaya parang hindi bulong sabi niya AMBAHO ako naman amoy din.. esep esep... naghugas naman ako ah.. sabay biglang sigaw ang hayup na RAYMOND GARCIA (tanda ko ang pangalan ng siraulong iyon eh.. ha ha ha...) mam si ramir a.k.a. basilisk TUMAE!!! langhiyang yan... naghugas ako ah (pero tama siya mabaho nga at amoy tae) langyang yan iyung laylayan ng polo kong mahaba dahil pamana lang ng kuya ko na mas malaki saken eh may tae!!! ha ha ha.. sa pagmamadali ko ay hindi ko naiangat kaya hayun napahiya ko sa buong klase.. (ang haba no? pwede ng isang buong entry)
pang pito:
mahilig akong maglagay ng napakaraming period pag nageentri ako......................................................................................................................................................................................... halata naman diba? he he he he..
hindi na ako magtatag kasi naman kababalik ko lang sa blogworld at iilan pa lang ang mga blogmates ko ulit.. he he he...
Posted at 05:51 pm by basilisk
Permalink
tumayo ang balahibo ko matapos magkuwento ang tatay ko na kinuwento naman sa kanya ng asawa ng kuya ko na kinuwento naman ng kuya ko sa asawa niya na kinuwento nga sa tatay ko na kinuwento saken na ngayon naman ay kinukuwento ko sa inyo na maari niyo ring ikuwento kung kanino niyo gusto.... at ito na nga ang kuwento (drum rolls)
kanina habang papunta sa bahay namen ang aking kuya ay may natanaw siyang isang lalaking walang ulo (nalaman niya agad na lalaki??? wala daw kasing dibdib [oo likod agad he he he]) pero nung malapit na daw siya ay tsaka na dw lumitaw ang ulo ng lalaki.... agad niya daw itong nilapita at sinabihan ang lalaki tungkol sa kanyang nakita.... (mabuti hindi ka pinagkamalang siraulo??? he he he) sa narinig daw ng lalaki ay agad niyang tinakpan ang ulo niya ng kanyang t-shirt (kailangan ba talagang gawin iyon?) hindi naman nagtagal ang pagkakatakip niya ng kanyang t-shirt sa kanyang ulo... at mayamaya nga ay nakiusap ang lalaki na ihatid siya sa kanilang bahay.... at ng maihatid na nga ay nagkuwento ang lalaki na sa totoo lang ay wala daw siya sa kanyang sarili at hindi niya daw alam kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon at kung baki siya nandun eh hindi naman daw niya kailangang magpunta dun... (ganun ba talaga iyon?) sabi ng kapatid ko.... ang ganda daw nung kapatid nung lalaki... hmmmmn.... PUWEDE!!!! APIR!! he he he... kakakilabot diba???
langyang tag ni emong... sige neks taym mehn...
Posted at 09:02 am by basilisk
Permalink
isang sulyap sa mga taong nawawala
Nawawala ang dalawang tao... nataranta ang mga kamag-anak at kaibigan dahil sa dalawang taong alam naman nilang laging magkasama sa mga ganoong panahon at alam naman nilang ang gagawin lamang ng dalawang iyon ay uminom at maglakwatsa kung saan man ay hindi alam ng lahat pagkat ang mismong dalawang taong nawawala ay hindi rin alam kung saan pupunta para uminom at maglasing...
KAMOTE!!!! PAREHO LAMANG PONG NALOWBAT ANG CELLPHONE NAMEN!!!
Posted at 02:20 pm by basilisk
Permalink
matagal na akong walang tarbaho at wala na akong pera kung anu-ano na ang naiisip ng aking kumpareng EMONG na pagkakitaan.... emong: bading kaya? ayaw ko nun mehn.... hindi sa ako ay kalaban ng mga lahing bading pero ayaw ko lang talaga (teka lang ah... tanungin muna natin ang mga bading kung gusto rin nila ako he he he) emong: matrona mehn? yan puwede yan puwedeng patulan he he he... emong: san naman tayo makakita nun? nakabasa ako sa paket buk sa may Harison daw mehn may tambayan dun ng mga kolboy emong: anong gagawin natin dun? tungak ehdi tatambay din tayo.. emong: cgurado ba yun mehn? un lang hindi din ako cgurado he he he.. emong: db may mga kaibigan kang matso danser? uu pero mehn alangan namang magsayaw tayo? emong: temang baka may kaibigan silang puwedeng ipakilala saten.. sige teka lang tanungin ko ah. huwaaa mehn smart siya eh... unli lang ako hindi ko siya mateks he he he... kamote talaga.... emong: sige mehn maligo na lang tayo mamaya sunduin kita tambay tayo Harizon ah? sige.. maya maya... wag na lang mehn magtiis na lang tayong tumunganga ng ilang araw at walang gimik kaya pa naman naten toh.. apir!!!
Posted at 01:22 am by basilisk
Permalink
grabe ang tagal kong nawala sa blogdrive... pero ganunpaman madalas pa rin akong
dumalaw at magbasa sa mga blog ng mga kakilala iyon nga lang hindi rin ako
nagtatag kaya mejo updated pa rin ako sa kanila...
kailangan ko pa kayang
magpaliwanag kung baket matagal akong nawala? hindi na siguro.. kasi mukhang
wala na namang dumadalaw dito eh... sa mga nagtag saken nung mga panahong wala
ako hayaan ninyo dadalawin ko na ang mga blog ninyo...
heto ako ngayon hindi
makapagtrabaho ng maayos kahit na ang mga kasamahan ko dito ay hindi
magkandaugaga sa dami ng trabaho namen kasi naman kakatapos lang ng aking final
interview at hindi lang basta interview dahil inglesan to the max ang nangyari kasi hindi nakakapagsalita ng tagalog ang kausap ko kanina he he he...
opo aalis na po ako dito sa kumpanyang ito at hindi lang sa
kumpanyang ito pati na rin sa pilipinas.... ang dami kong sinakripisyo para lang
sa oportunidad na ito kasama na ang buhok kong pinahaba sa loob ng dalawa at
kalahating taon!!! hu hu hu.. nakakamiss pala ang ganun... pero ayos lang para
sa kinabukasan ko naman ito eh at para sa pamilya ko...
lovelife?? chikaz???
iyan ang mga tanong sa tag nila yanyan (na galit yata saken kasi hindi ako
pinapansin) at ni juvil... lovelife.. hhmmmm pano nga ba.... sikreto na lang po
iyon hek hek hek.... basta sa ngayon hindi ko na muna iniisip ang mga ganyang
bagay kailangan kong makonsetreyt sa pag-aabroad...
gusto kong gamitin ang blog
na ito para magpasalamat sa mga kaibigan ko na sumuporta saken para lang matuloy
ang pangarap na ito.. unang una na si NONONG (MAMEHN!! YOUR D MAN!!) alam mo na
kung baket? basta mehn makakabawi rin ako sayo minsan.... RHE-AN (AKONG BAHALA
SAYO PAR) salamat sa pagsuporta ALEX at ALVIN, (KAILANGAN PA BA?? HE HE HE...
MGA HAYUP KAYO... YOUR D BEST!!) basta mga bro galingan ninyo bukas at sigurado
akong kayang kaya niyo ding makapasa kayo pah!! Magkakasamasama pa rin tayo
kahit abroad hindi pa rin magkakahiwalay ang tropa naten solid pa rin ito he he
he... at sa BUONG PAMILYA KO na napakasupportive saken (para sa inyo rin toh)...
at ang panghuli ay si EMONG pare maraming salamat sa pagpapautang ng lod he he
he.. Basta mehn mag-iinuman tayo kahit gabi gabi after ng medical ko... he he
he.. MARAMING SALAMAT SA INYONG LAHAT...
(nagpasalamat na hindi pa nakakaalis.. tama ba naman iyon? he he he.....)
Oh ano magpapaliwanag pa ba
ako???
Posted at 02:14 am by basilisk
Permalink