Tuesday, December 25, 2007
meri na christmas pa!

haaay... ngayon lang ako nagpasko na wala sa bahay ang nanay at tatay ko... kaya naman nauwi na lang sa inuman naming magkapatid ang noche buena namen.. wan on wan ang datingan ng aming inuman masaya din naman ang kinalabasan ng aming inuman kahit na dalawa na lamang kami sa bahay... natuwa saken ang kumare ko pati na din ang inaanak ko... mejo may konti kasi kaming di pagkakaunawaan ng kumare ko kaya halos walong buwan kaming hindi nagpansinan ultimo text ay wala kami sa isa't isa pero dahil pasko at hindi naman kasali sa tampuhan  ang inaanak ko kaya dinala ko pa din ang regalo ng inaanak ko sa bahay nila na ikinatuwa naman ng cute na cute na inaanak ko... at ang aking kumare??? haynaku halos ayaw na akong pauwiin kulang na lang ay ikadena niya ako sa bahay nila para lang hindi ako makauwi madami daw siyang gustong ikuwento saken hmmmm..... nahihiya lang kasing magsori kaya humahanap ng tiyempo!!! anobanaman?? anakng7kuba talaga!!! ilang taon na kaming magkaibigan ni isang masamang salita wala siyang narinig saken kahit na ang kinasasadlakan niyang sitwasyon ngayon ay ikinakadiri ng iba pero saken wala lang iyon kaibigan ko siya eh pero hindi na namen pinag-uusapan iyung mga ganung bagay pero siyempre nung mga unang araw na pinapasok niya pa lang ang isang bawal na relasyon halos gulpihin ko na siya matauhan lang pero wala talaga eh... &@#%^$(*! yan!!! mahal niya daw eh.. may magagawa pa ba ako dun??? siyempre wala diba?? pero matagal na iyon ngayon tropa pa din kami iyon pa din ang turing ko sa kanya SORRY mahirap bang sabihin iyon??? alam naman niyang siya ang may kasalanan eh nagpapaliwanag pa nga siya kung baket dapat hindi ako magtampo sa kanya pero para saken wala na iyon SORRY lang ang katapat ko tapos isang pirasong lolipap ok na eh... haaaaay...... tsk tsk tsk.... meri christmas na lang tuloy ang naging batian namen sabay alis ng bahay nila... ngayon ako heto nageentri sa opis kahit na lasing!!! meri christmas senyong lahat!!!

Posted at 04:48 pm by basilisk

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments





Previous Entry Home Next Entry


BADING NA BADING SA IYO


Psst... Psst... huy ikaw!! oo ikaw!! napadaan ka db?? tag k naman diyan!!!
PAGMAGTETEXT KA.... ILAGAY MO ANG NUMBER MO AT ANG PANGALAN MO SA MESSAGE OKAY???




   

<< December 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31

EMONG :: JEZZ :: ELA :: ADIK :: B1 at B2 :: LULU :: RHEY :: JENSS :: >e-channel ::


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed