Sunday, November 23, 2008
akalain mo!!!

akalain mo nga naman oh.... ang tagal ko na ngang hindi nageentry mayron pang nagkomento sa may pinakahuling entri ko para lang magpapansin??? tsk tsk tsk.. nekstaym naman maglagay ka ng pangalan kung gusto mong lubusan kang mapansin...

pero baket ko nga ba naisip na biglang magentri ngaun? kasi nabuburyon na ako dito sa DUBAI... hay... akala ko nakapag ajas na ako sa buhay dito pero hindi pa pala ampotah talagang mga OBARA (arabo) na iyan.... kainis!!! pero kung ikukumpara ang dinadanas ko ngayon sa dinadanas ng isang kaibigan ko... itatago na lamang natin siya sa pangalang... ADVANCE HAPPY B-DAY nga po pala kay Alvin Revilla he he he...

Ang buhay dito sa Dubai ay hindi masarap kumpara jan sa pinas... pero mas mahirap kung ang isa sa dahilan ng pagpunta mo dito eh para makaipon ng pampakasal ngunit subalit bagama't, etc... ay bigla kayong magkakahiwalay? tsk tsk tsk... kalungkot diba? napakasakit para sa isang taong nagsakripisyo na hindi man lang bigyang importansya ang kanyang pagpapakahirap... pero ayos lang naman yun! ganyan talaga ang buhay....

tatanungin mo kung sino iyon? wag kang mag-alala hindi ako iyon ha ha ha!!!

 

 

 


Posted at 07:50 am by basilisk
Comments (2)  

Thursday, August 21, 2008
buhay dubai

tangna phuuu phuuu phuuu.. grabe ang dami ng alikabok at buhangin ng blog ko.. ngayon lang ulit ako mageentri (wala na tong edit edit lasing na ako) lahat ng mga kaibigan ko dito sa blogdrive nagsilipatan na ng ibang blogsite ako na lang ata ang natitira huk huk huk.. pero ayos lang.. pagka nagkataym lilipat din ako.. tangna nung mga unang lingo at buwan ko dito sa dubai gusto ko ng bumalik ng pinas.. mararanasan mo pala talaga iyon iyung tinatawag nilang homsik.. grabeeeee.. iisipin mo kasi ang sarap ng buhay mo sa pinas pinagpalit mo sa impyerno he he he.. pero ngayon adjusted na ako (masasabi ko yan ngayon ah..) pero sympre may mga problema pa rin na kinakaharap awa naman ng diyos nalalampasan pa rin.... sa totoo lang mahirap talaga ang buhay dito sa abroad pero tolerable pa rin isipin mo lang na nagpunta ka dito para magwork eh ok na.. (para saken iyon ah)... hay.... ang dami kong namimiss sa pinas.. ang tambay sa PASIG LINE, ang basketbol, ang inuman, ang mga dating opismeyt, ang dating work, ang pagpasok ng leyt ang luto ng nanay ko, ang sermon ng tatay ko, ang tili ng mga pamangkin ko, at ang pagtatalak ng ate ko ha ha ha.. marami pang iba kung babanggitin ko lahat baka hnd kasya dito sa blogdrayb he he he.. may mga bago naman akong kaibigan dito sa UAE... may mga bagong kainuman at bagong kasama sa bahay kahit papano masaya naman.... kakaiba lang dito kasi dito kahit gusto mo ng manapak manggulpi oh manabunot or mangurot aynaku day hindi mo magagawa hi hi hi... grabe kasi hanggang ngayon wala pa din akong labor card..  (malamang hnd nyo alam iyon).. pero paminsan minsan umiiral ang pagiging sanggano ko pa din.. katulad na lang sa bus papuntangabu dhabi mayron akong siniko.. ang likot kasi sa bus eh natutulog ako napikon ako siniko ko (napatingin saken ang gago at nagtanong... WHY?) sagot ako.. why? i just want to!!! why? nanahimik ang gago ha ha ha... hnd iyon alam ng katabi kong si wangbu na as usual tulog na tulog pa din ha ha ha... natakot siguro saken ha ha ha.... dito sa dubai bawal ang mainitin ang ulo dapat pasensyoso ka at open minded... teka teka baket ako nagsesermon... ah basta lasing na kasi ako eh masulat na lang kung ano ang maisusulat... miss ko na ang pinas.. pero kailangang maghanapbuhay para mabuhay? ha ha ha.. oh sige mga tsong kung may nagbabasa pa talaga ng entry ko.. hanggang dito na lang muna.... api\r!!!!

Posted at 01:55 pm by basilisk
Comments (4)  

Sunday, February 10, 2008
b-day

3 beses akong sumuka nung b-day ko!!! langyang iyan dinaya nila ako sa tagay!! pero ayos lang.. pagkatapos naman ng madayan tagay ay nagpunta kami ng tagaytay he he he ayus... dabest din naman apir!!

Posted at 09:58 pm by basilisk
my sasabihin ka?klik mo to!!  

Sunday, January 27, 2008
galit-galitan...

pyesta samen kahapon at b-day din ng kababata ko kaya may konting kasiyahan... at pyesta din sa kumare ko! at darating ang isa nameng kumare sa bahay nila para makipiyesta.. galing abroad ang gagang ito kaya matagal ng hindi nakikita kumbaga ngayon na lang namen makikita dahil sa laguna na nga ito nakatira... kaya naman kinukulit nila akong pumunta sa bahay nila para dun na lang magstay at uminom... hmmmn.... anong gagawin ko?? iiwan ko ang kasiyahan saming barangay para magpunta sa kanya??? langyang iyan eh hindi ako pinapaalis ng mga tropa ko at makukulit na talaga kaya hindi ako makapunta sa kumare ko..ng biglang may nagtext.. mir (short for Ramir ril neym ni basilisk) favor naman masama lang ang loob ko eh.. puwede mo ba akong samahang uminom kahit ngayon lang?? wala kasi akong maisip na ibang kasama kundi ikaw lang eh... reply si ako (konsern eh) bkt ano prob? reply siya... masama ang loob ko sa BF ko eh.. pero wag ka mag-alala hindi ko ipapaalam na uminom tayong dalawa kaya sige na pagbigyan mu na ako pliz... langyang yan may pliz pa?? pero naman.. isipin niyo na lang ah kung may nagbabasa pa nitong mga entry ko.. kaibigan ko ang BF niya.. as in dikit ko talaga!! tapos anong ibig sabihin nun?? gusto niyang traydorin ko ang kaibigan ko s pagsama sa kanyang uminom at hindi sa kanya ipaalam? kamote iyan... ano bang gagawin ko sa mga toh? hmmmmmn......... ang nangyari!!! nagalit akong lahat sa kanila!!! ha ha ha.... eh anak sila ng kamote lahat sila selpis!! hindi nila maintindihan na HINDI NGA PUWEDE EH!! tapos tatampo tampo pa sila?? EH KAMOTE SILANG LAHAT MAGSAMA SAMA SILANG MAGTAMPO!! ako iinum na lng.. TAGAY PA MGA REPAPIPS!! he he he...

Posted at 05:52 pm by basilisk
my sasabihin ka?klik mo to!!  

Thursday, January 24, 2008
hik!

10:49 a.m. lasing pa rin ako hangang ngayon... hindi ito hangover lasing pa rin ito.. grabe ang hirap pala talaga... dalwang oras lang ang tulog ko langyang kaibigan kong seaman na iyan kung magpadespedida biglaan eh.. hindi naman mahindian dahil tropa mula pa ng hayskul kumbaga marami ng pinagsaluhang kalokohan... langyang yan... pati selpon ko na lumang model na-itrade pa sa mas luma pang model ng selpon niya ha ha ha!!!! ewan ko ba lasing na ata ako kaya ko nagawa iyon...kamote talaga pero ayos lang he he he.. antok na ako pero kailangan ko pa ring magtarbaho nandito ako sa harap ng pc ko hindi alam ng mga supervisor dito na hindi ako nagtatarbaho.. pero nakaharap lang ako sa pc ko.. katatapos ko lang panooring ang "American Pie: Beta House" he he he.. ang kulit at ngayon heto nageentri sa blogdrive na matagal ko ng hindi ginagawa haaaay.... grabe pagkatapos ng entring ito ano naman kaya ang gagawin ko para hindi ako makatul..........zzzzzzzzzzzzzzzzzzzz

Posted at 06:48 pm by basilisk
Comment (1)  

Thursday, December 27, 2007
bago ang taon

ah... last day sa work, last day na din sa upis na ito pero hindi sa kompanya lilipat lang ng ibang upis mga sampung hakbang lang ang layo he he he... ano pa nga ba? bagong pikchur sa prenster pero lumang pikchur na!!! haaay.... sabi ni emong at wangbu magbago na din para sa susunod na taon haaay... sana nga magawa ko iyon.... SANA....

Posted at 08:18 pm by basilisk
Comments (2)  

Tuesday, December 25, 2007
meri na christmas pa!

haaay... ngayon lang ako nagpasko na wala sa bahay ang nanay at tatay ko... kaya naman nauwi na lang sa inuman naming magkapatid ang noche buena namen.. wan on wan ang datingan ng aming inuman masaya din naman ang kinalabasan ng aming inuman kahit na dalawa na lamang kami sa bahay... natuwa saken ang kumare ko pati na din ang inaanak ko... mejo may konti kasi kaming di pagkakaunawaan ng kumare ko kaya halos walong buwan kaming hindi nagpansinan ultimo text ay wala kami sa isa't isa pero dahil pasko at hindi naman kasali sa tampuhan  ang inaanak ko kaya dinala ko pa din ang regalo ng inaanak ko sa bahay nila na ikinatuwa naman ng cute na cute na inaanak ko... at ang aking kumare??? haynaku halos ayaw na akong pauwiin kulang na lang ay ikadena niya ako sa bahay nila para lang hindi ako makauwi madami daw siyang gustong ikuwento saken hmmmm..... nahihiya lang kasing magsori kaya humahanap ng tiyempo!!! anobanaman?? anakng7kuba talaga!!! ilang taon na kaming magkaibigan ni isang masamang salita wala siyang narinig saken kahit na ang kinasasadlakan niyang sitwasyon ngayon ay ikinakadiri ng iba pero saken wala lang iyon kaibigan ko siya eh pero hindi na namen pinag-uusapan iyung mga ganung bagay pero siyempre nung mga unang araw na pinapasok niya pa lang ang isang bawal na relasyon halos gulpihin ko na siya matauhan lang pero wala talaga eh... &@#%^$(*! yan!!! mahal niya daw eh.. may magagawa pa ba ako dun??? siyempre wala diba?? pero matagal na iyon ngayon tropa pa din kami iyon pa din ang turing ko sa kanya SORRY mahirap bang sabihin iyon??? alam naman niyang siya ang may kasalanan eh nagpapaliwanag pa nga siya kung baket dapat hindi ako magtampo sa kanya pero para saken wala na iyon SORRY lang ang katapat ko tapos isang pirasong lolipap ok na eh... haaaaay...... tsk tsk tsk.... meri christmas na lang tuloy ang naging batian namen sabay alis ng bahay nila... ngayon ako heto nageentri sa opis kahit na lasing!!! meri christmas senyong lahat!!!

Posted at 04:48 pm by basilisk
my sasabihin ka?klik mo to!!  

Wednesday, December 19, 2007
may internet na ulit!

he he he.. sa wakas may internet na ulit ang opis namen.. dis taym wala na muna akong itatag pero mageentri pa din ako dito dahil gusto ko walang makikialam he he he.... 

Posted at 06:41 pm by basilisk
my sasabihin ka?klik mo to!!  

Monday, November 05, 2007
welkambak

matagal akong hindi nakapagentry dahil matagal din akong nawalan ng tarbaho pero ngayong may tarbaho na ako eh madalas na din ako ngayong makakapagentry!!! ngapala persdey ko sa work kaya he he he.. kitakits!!!!


Posted at 06:44 pm by basilisk
Comment (1)  

Tuesday, September 25, 2007
wala lang....

.

Posted at 11:08 pm by basilisk
Comment (1)  


Next Page


BADING NA BADING SA IYO


Psst... Psst... huy ikaw!! oo ikaw!! napadaan ka db?? tag k naman diyan!!!
PAGMAGTETEXT KA.... ILAGAY MO ANG NUMBER MO AT ANG PANGALAN MO SA MESSAGE OKAY???




   

<< December 2009 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04 05
06 07 08 09 10 11 12
13 14 15 16 17 18 19
20 21 22 23 24 25 26
27 28 29 30 31

EMONG :: JEZZ :: ELA :: ADIK :: B1 at B2 :: LULU :: RHEY :: JENSS :: >e-channel ::


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed